Magsasaka grinipuhan ng bayaw

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nakikipagbuno kay kamatayan ang 36-anyos na magsasaka matapos itong saksakin ng sariling bayaw na sumawsaw sa away nilang mag-ama sa Barangay Nicolas Agatep, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa. ?

Kinilala ni PO2 Arthur Cortes Jr. ang inoobserbahan ngayon sa Cagayan Valley Medical Center si Jomel Alvarez habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Kenneth Guerrero, 22.?

Sinasabing nabitin sa pulutan ang senglot na biktima kaya pinagdiskitahan nitong awayin ang ama.?

Lumalabas sa imbestigasyon na sumawsaw ang suspek sa komosyon ng mag-ama subalit pinagbali­ngan itong gulpihin at saksakin ng bayaw.?

Ayon sa police report, nagdilim ang paningin ng suspek kaya nasaksak nito ang biktima saka tumakas.

Show comments