500 nasunugan noong Pasko

NORTH COTABATO, Philippines - Trahedya ang ina­bot ng 500 residente makaraang masunog ang kani-kanilang bahay sa mismong araw ng Pasko sa Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Naganap ang sunog sa kalagitnaan ng patay-sindi na koneksyon ng kuryente sa lugar at dahil sa dikit-dikit na mga bahay ay madaling kumalat ang apoy.

Nahirapan ang mga pamatay-sunog na makapasok sa nasa­bing lugar dahil sa ma­kipot na eskinita.

Napag-alaman na itinaas na sa general alarm ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog dahil sa dami ng bahay na nilamon ng apoy.

May napaulat na casualty sa nagpa­patuloy na sunog pero hindi pa ito makumpirma sa ngayon.

Kasalukuyang nasa evacuation center ang mga residente na naapektuhan ng sunog.

Show comments