MANILA, Philippines - Tinatayang nagkakahalaga ng P300,000 ang ari-ariang napinsala sa sunog na sumiklab sa bahagi ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, kahapon ng hapon. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng siyudad, ang sunog ay nagmula sa Engineering department ng ospital dakong alas-2:05 ng hapon.
Sinasabing ang nasabing kuwarto ay ginagamit bilang supply storage room kung saan nakalagay ang mga pintura at thinner na ginagamit para sa engineering works.Gayunman, mabilis namang nakaresponde ang mga pamatay sunog kung kaya agad na naapula ang sunog na idineklarang nasa ikatlong alarma, dakong alas-2:40 ng hapon. Hindi naman naapektuhan ang ibang area ng ospital kung kaya hindi kinailangang ilikas ang ilang pasyente dahil malayo naman ang nasunog na kuwarto sa mga ito.Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.