MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Sandiganbayan 6th division ang pag-aresto kay dating MRT3 General Manager Al Vitangcol at sa kapwa akusado nito na si Wilson de Vera.
Ito ay kaugnay ?sa 2 counts ng kasong katiwalian na kanilang hinaharap sa anti-graft court.
Ang nasabing kaso ay resulta ng umano’y pangingikil nina Vitangcol ng 30 million dollar sa Czech company na Inekon group.
Ang nasabing halaga ay kapalit umano ng kontrata na ibibigay sa Inekon para sa pagsu-supply ng mga bagon sa MRT 3 para sa expansion project nito.
Ang pangingikil ay nangyari umano noong Hulyo 2012.
Itinakda ng 6th division ng Sandiganbayan ang piyansa nina Vitangcol at de Vera sa halagang P30,000 para sa bawat count ng kasong katiwalian na kanilang hinaharap.
Samantala, nag-bail naman sa halagang P60,000 si Vitangcol habang hindi naman nagpakita si de Vera.