MANILA, Philippines - Sisimulan ngayong Martes ni Senator Joseph Ejercito Estrada ang 90-araw na suspensiyon na ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Ejercito na boluntaryo na lamang niyang pagsisilbihan ang kanyang 90-araw na suspensiyon dahil iginagalang niya ang batas at naniniwala siya sa “fairness” ng Sandiganbayan bilang isang institusyon.
Bilang isang mamamayan na gumagalang sa batas, susundin din umano ng senador ang desisyon ng Supreme Court na hindi kinatigan ang kanyang mosyon na kumukuwestyon sa suspension order.
Matatandaan na inakasuhan si Ejercito dahil sa diumano’y maling paggamit ng calamity funds ng San Juan matapos ipambili ng mga high-powered firearms para sa mga pulis ng lungsod ang nasa P2.1 milyon pondo. Pero nanindigan si Ejercito na ang sinasabing maanomalyang transaksiyon ay maanomalya lamang sa pananaw na kanyang mga kalaban sa pulitika.