Inspector ng BAI, timbog sa ‘kotong’

Si Dr. Angel Singson makaraang arestuhin ng mga tauhan ng NBI dahil sa reklamong pangongotong sa isinagawang entrapment operation, kahapon sa Pandi, Bulacan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) – Anti Fraud Division ang isang inspector ng Bureau of Animal Industry sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Bagbagin sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa NBI, nakatanggap ang ahensya ng reklamo mula sa may-ari ng Congo Charlie Exotic Reptile Jungle na si Jaime Lim, isang farm na nagbi-breed ng mga reptile mula sa iba’t ibang bansa kaya agad na isinagawa ang operasyon.

Sa reklamo ni Lim, la-ging dinidelay ng na­ares-tong si Dr. Angel Singson Jr., ang kanilang mga papeles upang magbigay ng pera.

Hiningan aniya siya ng P10,000 kada transaksyon at sa kanilang kasunduang magkikita ay agad na humingi ng tulong si Lim sa NBI.

Nagsagawa naman ng inspeksyon kahapon ang suspek sa farm ni Lim at kahapon ay ikinasa ang entrapment operation .

Inaresto ang beterinaryo habang inaabot ni Lim ang pera ngayo’y nakakulong na ito sa NBI detention facility sa pa-ratang ng negosyante.

Show comments