Barangay chairman, itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang beteranong barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Bued sa Alaminos City, Pangasinan  noong Miyerkules ng gabi.

Labingdalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay si Chairman Salvador  Camba ng nasabing barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin.

Nagawa pang maisugod sa West Pangasinan District Hospital ang biktima pero idineklara itong patay.

Nabatid na ang biktima ay aktibo sa krusada ng pa-mahalaan kontra droga sa kanilang barangay.

Show comments