MANILA, Philippines — Nauwi sa madugong kilos protesta ang naganap sa harap ng US Embassy sa lungsod ng Maynila matapos araruhin ng isang police van ang mga raliyista.
Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na tatlong student activists ang isinugod sa ospital sa pang-aararo ng police van.
Matapos pagbabatuhin at paghahampasin ang police van ay biglang humarurot ito paatras kung saan ilang raliyista ang natamaan.
Nasundan pa ito nang umabante ang sasakyan at ilang raliyista pa ang pumailalim.
Ilang raliyista rin ang hinuli ng mga awtoridad.
Violent dispersal of protesters outside US Embassy by philstarnews