MANILA, Philippines — Siniguro ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na siya'y hindi corrupt.
Ito'y kaugnay sa kanyang hiling sa Kongreso na bigyan siya ng emergency powers upang solusyunan ang problema sa trapiko sa bansa.
"[It] could be logically addressed if the Congress will provide me emergency powers," saad niya. "If you give it fine, if not we'll think of another way."
Pagdidiin niya, "it's an urgent situation."
Dinagdagan niya ang pahayag niya ukol dito, na hindi na kasama sa kanyang inihandang talumpati.
Dito'y sinabi niyang nauunawaan niya ang agam-agam ng ilang Kongresista na bigyan siya ng emergency powers dahil sa takot na siya'y mangurakot.
Pero paglilinaw niya, "if iniisip n'yo corruption, I assure you, this will be a clean government."
Hindi man daw niya masiguro na ang mga miyembro ng kanyang gabinete ay palaging magiging tapat ang panunungkulan, makasisiguro naman daw ang publiko na hindi niya ito pahihintulutan.
Samantala, ang pagsugpo sa kolorum at ang pag-utilize ng mga pangunahing kalsada ang ilan sa tinitignang solusyon ni Duterte sa problema sa trapiko.
Binanggit niya rin ang patuloy na pagpapasaayos ng mga istasyon ng tren at ng mga tren upang maging mas kapaki-pakinabang ito sa publiko.
Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga karagdagang transportation facilities sa ibang bagahi ng bansa. — Video editing by RP Ocampo