Sa huling pagkakataon PNoy mangunguna sa Araw ng Kalayaan

MANILA, Philippines - Pangungunahan bukas ng umaga (Linggo) ni Pangulong Benigno Aquino III ang ika-118 taong ani­bersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ito ang huling pagkakataon na mangunguna si Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng Araw ng Kala­yaan bilang chief executive ng bansa dahil pagsapit ng June 30 ay manunumpa na si President-elect Rodrigo Duterte bilang bagong presidente.

Bandang alas-8 ng umaga bukas (Linggo) ay pa­ngungunahan ni PNoy ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Rizal Park saka ito mag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Pagkatapos nito ay idaraos naman sa Malacanang ang Vin D’Honneur bandang alas-10:00 ng umaga na pangungunahan pa din ni Pangulong Aquino kasama ang mga ibat ibang ambassadors at miyembro ng kanyang gabinete.

Show comments