MANILA, Philippines - Dapat ipaliwanag ng Smartmatic ang malaking discrepancies sa mga electronically-transmitted Certificates of Canvass.
Ito ang iginiit ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagsabing dapat ipaliwanag sa publiko ang pagkakaroon umano ng ‘discrepancies’ sa mga electronically transmitted COCs.
Ayon kay Atty. George Garcia, lead counsel ni Marcos, sa mga probinsiya ng Nueva Ecija at Ilocos Sur, ipinadala ng provincial Canvassing at Consolidation System (CCS) ang mga COCs na hindi kumpleto ang transmission sa municipal level.
“How can the provincial CCS transmit (the COC) to the Comelec (Commission on Elections) when the program says it should be 100 percent transmission of all municipalities in that province?” tanong ni Garcia.
Inihalimbawa rin ni Garcia ang dalawang probinsiya na hindi umano alam ng mga Provincial Board of Canvassers (PBOC) na hindi kumpleto ang municipal transmissions at kinailangan pang utusan ng Comelec en banc na i-recheck at muling bilangin ang resulta.
“How can this happen when Smartmatic assured us that their machines are accurate and reliable?” ani Garcia.
Iginiit ng kampo ni Marcos na obligasyon ng Smartmatic sa mga mamamayang Filipino na 99.999 percent accurate ang resulta ng bilangan dahil sila ang nag suplay ng mga machines.
Nauna ng kinuwestiyon ng kampo ni Marcos ang dami ng bilang ng tinatawag na “undervotes” o mga hindi bomoto sa mga vice presidential race.