Bar exams gagawin sa Nobyembre 2016

Sa resolusyon ng SC en banc, ang bar exams ngayong taon ay gagawin sa Nobyembre 6, 13, 20 at 27 sa University of Sto. Tomas.
CC/stock

MANILA, Philippines – Nagtakda na ang Korte Suprema ng petsa para sa pagdaraos ng 2016 Bar Examinations.

Sa resolusyon ng SC en banc, ang bar exams ngayong taon ay gagawin sa Nobyembre 6, 13, 20 at 27 sa University of Sto. Tomas.

Ang mga nagsipagtapos sa law school na tumalima sa orihinal na school calendar ay mayroong mula Hunyo 1-Hulyo 31 para magproseso ng aplikasyon.

Hanggang Agosto 15 naman  maaaring magsumite ng aplikasyon ang mga magsisipagtapos sa law school na ang academic year ay matatapos sa Hunyo 2016.

Hindi na magbibigay ng  anumang  palugit  o extension sa pagsusumite ng aplikasyon.

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang itinalagang Bar Examination committee chairman.

Show comments