Grace nanguna uli sa Pulse Asia; Chiz, Bongbong tabla

MANILA, Philippines - Muling nanguna si presidential candidate Sen. Grace Poe sa latest survey ng Pulse Asia.

Sa March 15-20 survey na kinomisyon ng ABS-CBN mula sa may 4,000 na respondents sa buong bansa, nakakuha si Poe ng 28 percent. Isinagawa ang survey matapos paboran ng Korte Suprema si Poe na puwedeng tumakbong presidente.

Pangalawa naman sa survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 24 % kadikit si Vice-President Jejomar Binay na may 23%.

Nasa ikaapat na puwesto pa rin ng survey si Mar Roxas na may 19% at 2% naman si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Sa vice-presidential race ay tabla sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Bongbong Marcos na kapwa nakakuha ng 25%.

Nakakuha naman ng 21 percent si Leni Robredo at sinundan ni Sen. Alan Peter Cayetano 14%, 5 % si Sen. Gringo Honasan at 4% si Sen. Antonio Trillanes.

Show comments