MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdagsa ng mga barkong pandigma ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Ayon sa US Embassy, ang pagdaong sa Manila Bay kamakalawa ng USS Russel (DDG 59), ang Arleigh Burke-Class guided missile destroyer ng US Navy ay bahagi ng routine visit nito, maintenance at pamamahinga ng mga crew ng nasabing barkong pandigma.
“The USS Russell is making its way back to its homeport in San Diego, California after a highly successful deployment to the U.S. Fifth Fleet’s Area of Responsibility,” anang US Embassy.
Samantalang nilalayon din ng pagdaong ng USS Russel sa Pilipinas ay upang mapatatag pa ang alyansa sa pagitan ng US Navy ng counterpart ng mga ito sa Philippine Navy at maging sa mamamayan ng Pilipinas.
“It is a once in a lifetime occasion. Manila presents a unique chance to experience a rich culture different from my own,” pahayag ni SONAR Technician 3rd Class Jonathan Ferrel.
“This port call is a fantastic opportunity for our crew. We are excited to develop deeper ties with the people of the Philippines and enjoy the tremendous offerings of the city of Manila”, ayon naman kay Commander Grill McCarthy, Commanding Officer ng nasabing war ship.
Bukod sa USS Russel ay dalawang barkong pandigma, ang USS Blue Ridge at USS Antietam ang una nang dumaong sa Manila Bay at isang US Submarine o ang USS Charlotte sa Subic Bay, Zambales.