MANILA, Philippines – Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na contingency lamang ang ginagawang pag-imprenta ng manual ballots sa National Printing Office (NPO).
Paliwanag ito ni Bautista, matapos lumutang ang isyu na naghahanda na raw ang poll body sa mano-manong halalan at hindi sa automated process.
Ayon kay Bautista, mayroon silang plan A, B at C para maituloy ang eleksyon dahil ito ang kanilang mandato.
Kabilang umano rito ang computerized election, manual at kung dahil sa ilang hindi inaasahang sitwasyon ay maaari ring ilipat ang schedule sa ilang mga lugar.
Ang ibang manual ballots ay gagamitin naman sa absentee voting tulad ng mga sundalo, pulis, iba pang government workers, OFWs at media.