MANILA, Philippines – Pinabubuwag ng mga militanteng kongresista ang Motor Vehicle Users Charges para mailipat ang pondo sa rehabilitasyon, maintenance at pagpapa-unlad ng train systems.
Paliwanag nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate, hindi na lang ito dapat tungkol sa sasakyan kundi sa paggalaw ng mga tao at produkto.
Para sa mga kongresista, dapat gawing prayoridad ang development at modernization ng railway systems.
Dahil dito kaya dapat na buwagin ang MVUC para sa modernization ng railways systems sa bansa.
Makikita naman umano sa mauunlad na bansa kung gaano ka-episyente ang mga tren sa pagbiyahe ng mga tao at mga produkto.
Malayong-malayo umano ang sitwasyong ito sa Metro Manila na apektado ng ekonomiya dahil sa sobrang traffic dulot ng napakaraming sasakyan.