MANILA, Philippines – Kasamang babalikatin ni Rep. Amado Bagatsing oras na mahalal na mayor ng Maynila ang mabalasik na anti-crime at anti-drugs campaign ni PDP-Laban presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
“Kabaka tayo ni Presidente Duterte at ng buong sambayanang Filipino sa pagdurog sa napakalaking problema ng droga hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Pilipinas,” wika ni Bagatsing.
“Sa tulong ng mga kapatid nating negosyante, magbibigay tayo ng reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkadakip ng mga drug lord,” aniya.
Sinabi ni Bagatsing na suportado niya ang “iron fist” policy ni Duterte laban sa mga hard-core criminals lalo na sa mga drug lord, ngunit hindi niya ipagkakait ang bukas-palad na pagtanggap sa mga naligaw ang landas ngunit gustong magbagong-buhay.
Ilan lang sa peace and order program ni Bagatsing ang “My Barangay, my Bantay” program, ang pagtataas ng allowance ng mga pulis sa Maynila, ang implementasyon ng curfew sa mga menor de edad, ang pagpapalakas sa pamilya laban sa drug abuse at pagsasagawa ng maraming aktibidad panglipunan sa mga kabataan upang ilayo sila sa droga.
“An effective anti-crime program starts at the barangay level because everyone knows who in the barangay are pushing drugs, are drug dependents and or into criminal activities,” wika ni Bagatsing.
Nauna nang sinabi ni Bagatsing ang sumusunod: “Peace and order will be my priority. We will start dismantling the shabu factories now freely operating in Manila because present mayor does not want to lift a finger against the drug lords.
“In this war, we will employ policemen who are motivated to fight the drug menace because they have seen it destroy the lives of family members who became addicts or who were victimized by drug-related crimes.”
Pinuna rin ni Bagatsing ang isa pa niyang karibal na sa tagal ng panunungkulan ay panay palabas lang ang ginawang kampanya laban sa droga tulad ng pag-spray paint sa mga bahay ng pinagsususpetsahang drug pushers.
“He sprayed and sprayed, but forgot to spray the house of his own family member engaged in the drug trade,” ani Bagatsing, na nagsabing bibigyan niya ng matitinik na abogado ang mga pulis laban sa karaniwang harassment charges na isinasampa laban sa kanila.