Bill of Rights ng taxi passengers lusot na

Sa ilalim ng panukala, dapat ay magalang, maayos ang pananamit at mayroong ID na nakasabit sa taxi ang driver nito upang makilala ng kanyang pasahero sakaling magkaroon ng problema. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Nakapasa na ang panukalang Bill of Rights of Taxi Passengers ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian sa committee level ng Kamara.

“We thank the House committee on transportation for approving the measure, which will help protect unsuspecting passengers from rude and abusive taxi drivers,” wika pa ni Rep. Gatchalian, isa sa principal authors ng “Bill of Rights of Taxi Passengers.”

Sa ilalim ng panukala, dapat ay magalang, maayos ang pananamit at mayroong ID na nakasabit sa taxi ang driver nito upang makilala ng kanyang pasahero sakaling magkaroon ng problema.

“Passengers shall have the right to direct the route or expect the most economical route, except if the itinerary will endanger life or cause damage to the taxi. They shall also be entitled to pay the exact rate shown by the taxi meter and to be given the exact amount of change as well as a printed receipt,” paliwanag pa ng NPC senatorial bet sa May 2016.

Idinagdag pa ni Win, may karapatan ang taxi rider na magpahatid sa destinasyon nito gaano man ito kalayo o may matinding traffic sa daraanan.

Sa ilalim ng Taxi Passengers Bill of Rights ay may karapatan ang pasahero na ikuha ng panibagong taxi kung sakaling nasiraan ang kanyang nasakyan.

Ang sinumang taxi driver na lalabag dito ay magmumulta ng P1,000 at 7-day license suspension para sa first offense; P3,000 at 6-month license suspension sa second offense, and; P5,000 at 1-year license suspension para sa 3rd offense.

Ang counter-bill nito sa Senado ay inihain naman nina Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Show comments