Comelec muling iniusog ang pag-imprenta ng mga balota

MANILA, Philippines – Sa Pebrero 8 na sisimulan ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa eleksyon sa Mayo, ayon sa Commission on Elections ngayong Martes.

 Isang linggo ang iniusog ng pag-iimprenta ng mga balota ng Comelec upang bigyang daan ang paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema sa mga disqualification cases na iniapela sa kanila.

Target ng poll body na matapos ang mga balota sa Abril 25, dalawang linggo bago ang mismong araw ng eleksyon.

BASAHIN: Comelec hindi nagmamadali sa pag-imprenta ng mga balota

Nauna nang hiniling ni Senate President Franklin Drilon na hintayin muna ng Comelec ang desisyon ng mataas na hukuman bago sila mag imprenta ng mga balota.

"Pushing through with printing the ballots even before the SC can decide on the disqualification cases is equivalent to an utter disrespect to the Supreme Court and its jurisdiction on the matter," pahayag ni Drilon.

Sa kabila ng mga kinakaharap na disqualification cases ay kabilang pa rin sa initial list ng presidential candidates sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe.

 

 

Show comments