MANILA, Philippines – Sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Acton Foce (SAF) kinuwestyon ni Sen. Alan Peter Cayetano ang motibo ng ilan niyang kasamahan lalo’t nalalapit na ang eleksyon.
Nais kasi ni Cayetano na mag-inhibit sa pagdinig sa Lunes ang mga tatakbong pangulo at bise presidente kabilang dito ang kaniyang sarili, si Sen. Grace Poe, Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Gringo Honasan at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos II.
TINGNAN: Initial list ng presidential at VP candidates ng Comelec
“And that is why dapat si Sen. Grace at si Sen. Chiz at yung ibang mga senador, yung sa Mamasapano, 24 naman tayo, so kung anim tayong tumatakbong vice president at president, pwede namang we ask our questions through writing. Kaysa sabihin na ginagamit natin for publicity at kahit ano, sasabihin mo dun,” pahayag ni Cayetano na nagsabi nang hindi siya makikilahok.
Tinukoy ni Cayetano ang nalagdaan nang naunang committee report ni Poe kung saan lumabas na may pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao halos isang taon na ang nakararaan.
“Pumirma na siya (Poe) ng committee report na liable ang presidente. So kung bubuksan mo ang hearing, meron na syang decision dun eh. This is what I have been pointing out sa ating mga mamamayan. Ang Poe-Chiz tandem, ay may galing at puso pero inconsistent. ‘Pag sa iba inhibit kayo. ‘Pag kami, okay,” dagdag niya.
BASAHIN: Mamasano probe muling bubuksan ng Senado
Ipinagtataka rin ni Cayetano ang timing nang muling pagbubukas ng imbestigasyon na sa tingin niya ay gagamitin lamang ito upang makakuha ng pansin ang mga kandidato.
“So kung ito ay bubuhayin at gagamitin just because gusto mo yung news na sa iyo, mabigat yun. Nagtatataka nga ako dahil July ko pa pinabubuksan yan. July hanggang December hindi ako pinansin. Biglang nung pagdating na malapit na ang election, bubuhayin ito,” patuloy ng senador.
“I want to repeat my appeal sa mga kasamahan ko. If we want to honor the 44, if we want to honor the SAF, let us make these hearings non-partisan and honest to goodness. Our presence there will affect it. Pabayaan na natin yung mga hindi kandidato as president and vice president na ituloy ang hearing na ito.”