250 na arestado sa gun ban

MANILA, Philippines – Umabot na sa 250 katao ang naaresto sa paglabag sa gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules.

Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor na karamihan sa mga nahulihan ng armas ay pawang mga sibilyan.

Sa mga naaresto ay 238 ay mga sibilyan, dalawang pulis, tatlong government officials, tatlong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology, dalawang security guards isang miyembro ng law enforcement agency at isang Citizen Armed Force Geographical Unit.

Nasa 154 armas na rin ang kanilang nakumpiska, habang nakakuha rin ang PNP ng 734 bladed weapons, 24 explosives,  siyam na granada, pitong firearm replicas at 717 ammunition.

Tiniyak naman ni Mayor na paiigtingin pa nila ang pagpapatupad sa gun ban upang mapanatili ang kapayapaan sa nalalapit at sa mismong araw ng eleksyon.

"Police Director General Ricardo Marquez, assures that the PNP will remain vigilant in its law enforcement and security operations to ensure safe and fair election,” pahayag ni Mayor.

Nagsimulang ipatupad ang gun ban nitong Enero 10 at magtatatagal hanggang Hunyo 8.

 

Show comments