Gatchalian kay PNoy: Gamitin ang EDCA sa AFP modernization

Ayon kay Valenzuela Rep. Win Gatchalian, dapat samantalahin ng pamahalaan ang EDCA para makakuha ng dagdag na war ships, patrol boats at iba pang kagamitang pandigma. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Matapos na mapagtibay ng Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Coo­peration Agreement (EDCA), pagkakataon na umano ng gobyerno na tiyaking tuluyan ng magiging moderno ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Valenzuela Rep. Win Gatchalian, dapat samantalahin ng pamahalaan ang EDCA para makakuha ng dagdag na war ships, patrol boats at iba pang kagamitang pandigma.

Idinagdag pa ni Gatcha­lian, na  mas maganda kung magagawa ito ni Pangulong Aquino bago siya bumaba sa puwesto.

Subalit para  sa kongresista, napapanahon nang magkaroon naman ng upgrade ang air at naval assets ng AFP para nagagawa nito ang madalas na surveillance sa West Philippine Sea.

Aminado itong nakadidismaya na mapag-iiwanan na ang Pilipinas pagdating sa modernong mga eroplano at barko kumpara sa ibang bansang claimants sa Spartlys.

Malaking bagay umano ang modernisasyon sa kakayahan ng AFP na maipagtanggol ang teritoryo mula sa panghihimasok ng mga dayuhan.

Show comments