PNoy inabswelto sa Mamasapano

Pangulong Aquino. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Abswelto sa anumang pananagutan si Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano incident kung saan napatay ang 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).

Ito ay base sa laman ng draft report ng House Committee on Public Order and Safety sa isinagawa nilang imbestigasyon sa naturang insidente noong nakaraang taon.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Jeffrey Ferrer, chairman ng komite, walang liability ang Pa­ngulo sa Mamasapano incident noong Enero 25, 2015 dahil ginawa naman nito ang lahat ng dapat para maayos na mailunsad ang operasyon laban sa teroristang si Marwan at Basit Usman.

Nagkataon lamang umano na hindi ito lubos na sinunod ng mga opisyal ng PNP kaya nagkaroon ng bulilyaso.

Siniguro naman ng mambabatas na mailalabas na ang opisyal na Committee report bago magtapos ang 16th Congress.

Inamin ni Ferrer na hindi na siya pressured na ilabas ang report dahil nakapag-imbestiga at nakapaghain na ng kaso ang DOJ laban sa mga sangkot sa pagpatay sa SAF 44 at naparusahan na rin ang mga opisyal ng PNP na sumablay sa tungkulin.

Show comments