MANILA, Philippines – Muling namayagpag ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay sa latest survey ng Pulse Asia sa last quarter ng 2015.
Sa naturang data, nakakuha si Binay ng +52 na approval rating o mas mataas ng siyam na puntos mula sa dating +43 noong Setyembre 2015, habang +49 o mas mataas naman ng 10 puntos ang kaniyang trust rating mula sa dating +39.
Pinakamataas ang approval rating ng pangalawang pangulo sa Visayas, pangalawa sa Luzon at Mindanao.
Ayon pa sa Pulse Asia tumaas ang performance at trust ratings ni Binay sa lahat ng socio-economic classes at regions sa bansa. Ang survey ay ginawa mula December 4 hanggang 11.
Samantala nananatili naming trusted official si Pangulong Aquino na nakakuha ng 55% public approval at 53 percent trust rating, habang si Senate President Franklin Drilon ay may 51% approval.
Kung matatandaan sa Dec 4-11 survey ng Pulse Asia ay muling nanguna si Binay sa napipisil ng mga botante bilang presidential bet sa 2016.
Sa data ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 33%; si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, 23%; Sen. Grace Poe, 21%; Mar Roxas, 17% at Sen. Miriam Santiago, four percent.
Umaabot sa 1,800 ang bilang ng respondents sa nabanggit na survey.
Nakuha ni Binay ang National Capital Region (30%), Balance Luzon (34%) at Visayas (34%).
Napanatili rin ni Binay ang pangunguna sa Class E (42%) at nakuha niya ang highest votes mula sa Class D (30%).