MANILA, Philippines – Si Pangulong Benigno Aquino III ang most trusted at approved top government official, ayon sa Pulse Asia survey.
Nakakuha ng 55 percent si Aquino bilang most approved, mas mataas ng isang puntos kumpara sa grado niya noong Setyembre 2015, habang 53 percent naman sa pinakapinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.
Samantala, tumaas din ang approval rating ni Bise Presidente Jejomar Binay sa 52 percent nitong Disyembre kumpara sa 43 percent niya ng nakaraan.
Bumuti rin ang trust rating ni Binay ng 10 puntos sa 49 percent mula 39 percent.
Nabigyan naman si Senate President Franklin Drilon 51 percent approval rating sa fourth quarter ng 2015, habang 47 percent pa rin ang trust rating niya.
Hindi naman gumalaw ang approval rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa 29, ngunit bumaba naman ang trust rating niya sa 25 percent.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 4 hanggang 11 kung saan 1,800 respondents ang kinailangan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.