Ex-LTO chief Torres patay sa cardiac arrest

MANILA, Philippines – Pumanaw na ang dating kontrobersyal na Land Transportation Office (LTO) chief Virgie Torres, 62, dahil sa atake sa puso o cardiac arrest.

Sinabi ni Ruben Torres, kapatid ng dating LTO chief na namatay ang kanyang kapatid habang nasa Medical City Clark, Pampanga.

Isinugod sa pagamutan si Torres matapos makaramdam ng pananakit ng dibdib at likod.

Bigla daw itong bumagsak nang tumayo papuntang CR at hindi na na-revive.

Ilalagak ang bangkay ni Torres sa Paniki, Tarlac.

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Torres noong July 2010 at nagbitiw sa puwesto noong October 2013 matapos makunan ng CCTV habang naglalaro ng casino.

Muling nalagay sa kontrobersya ang pangalan ni Torres nang maakusahan ng sugar smuggling dahil sa umano’y tangkang pang-aarbor sa ilang container vans ng puslit na asukal na pinigil ng Bureau of Customs (BoC).

Show comments