Binay umaasa na may puso ang gobyerno sa 2016

MANILA, Philippines - Umaasa si Senator Nancy Binay na may puso ang bagong gobyerno sa 2016 na magiging daan upang mas umunlad ang bansa.

“May 2016 usher in a new and kind-hearted government that will lead our country to new heights,” ani Binay.

Hiling pa ni Binay na sana ay maging masagana ang Bagong Taon para sa lahat ng mamamayan.

Dapat din aniyang magsilbing aral sa lahat ang nangyari noong 2015 at gawin itong gabay para sa 2016.

Sinabi pa ng senadora na naniniwala siya sa kakayanan ng mga Filipino na maresolba at malampasan ang mga pagsubok sa buhay sa tulong ng Diyos.

Matatandaan na nalagay sa gitna ng kontrobersiya ang pamilya Binay matapos maakusahan ng katiwalian partikuar si Vice President Jejomar Binay. 

Show comments