Nag-leak ng desisyon sa MR ni Poe pinaiimbestigahan

MANILA, Philippines – Dapat na imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) kung sino ang nag-leak sa media ng desisyon ng Comelec en banc tungkol sa disqualification case ni Sen. Grace Poe at parusahan ito.

Sinabi ni Nationalist Peoples Coalition (NPC)spokesman Rex Gat­chalian, na dismayado sila sa pag-leak sa media ng naturang desisyon bago pa ito i-promulgate noong Miyerkules.

Lubhang naalarma si Gatchalian dahil sa halip na ang kanilang partido umano ang unang makaalam ng desisyon ay na-leaked na agad ito sa media kahit hindi pa na-promulgate.

Kaya hinala nila may mga personalidad sa loob na lumabag sa procedures at nabastos umano ang proseso kaya dapat itong imbestigahan ng Comelec at parusahan ang mga naglabas ng impormasyon sa media.

Iginiit naman ni Gat­chalian na iaakyat nila sa Korte Suprema ang nasabing desisyon at tiwala pa rin ito na makikita ng mga mahistrado ang kanilang ipinaglalaban.

Duda naman sa ti­ming ang kampo ni Poe sa pagpapalabas ng desisyon dahil halata umanong kino-corner ito para hindi makasama sa Official List of Candidates ang senadora.

Sa kabila nito iginiit ni Gatchalian na dapat manatili sa balota si Poe positibo o negatibo man ang desisyon ng Comelec dahil may panahon pa para iapela ito.

Show comments