19 Pinoy mula Syria pauwi na

Ang mga repatriates na kinabibilangan ng dalawang bata ay inaasahang darating sa Disyembre 24 ng pasado alas-tres ng hapon sa NAIA Terminal 1. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Aabot sa 19 mga Filipino mula sa Syria ang nakatakdang dumating sa bansa matapos silang mag-apply sa repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang mga repatriates na kinabibilangan ng dalawang bata ay inaasahang darating sa Disyembre 24 ng pasado alas-tres ng hapon sa NAIA Terminal 1.

Sinagot na ng International Organization for Migration sa Damascus ang mga pamasahe ng nasabing pauwing Filipino.

Aabot na ngayon sa 5,942 mula noong 2011 ng ipatupad ang repatriation kung saan 2,715 dito ay mula sa Lebanon sa pamamagitan ng embassy sa Beirut.

Show comments