‘Lando’ tinanggal sa listahan ng mga bagyo ng PAGASA

Umabot sa 47 katao ang nasawi at P9.8 bilyon ang halaga ng pinsala ni Lando na tumama noong Oktubre 21 sa Luzon. AP/Aaron Favila, file

MANILA, Philippines – Dahil sa laki ng pinsala, inalis na ng state weather bureau ang pangalang “Lando” at “Nona” sa listahan ng pangalan ng mga bagyo.

Ipinaliwanag ni PAGASA senior weather forecaster Vic Manalo na may pamantayan sila kung kalian aalisin ang isang pangalan ng bagyo depende sa dami ng nasawi at halaga ng pinsala nito sa agrikultura at impastraktura.

"There are certain requirements in decommissioning the names of tropical cyclones. If it caused 300-400 casualties and P1 billion or above cost of damage, then the name will be eliminated from the list and will be replaced by another name," sabi ni Manalo.

BASAHIN: PAGASA: Mababang bilang ng bagyo sa 2015 dahil sa El Niño

Umabot sa 47 katao ang nasawi at P9.8 bilyon ang halaga ng pinsala ni Lando na tumama noong Oktubre 21 sa Luzon kung saan umabot pa ito sa Category 5 na bagyo bago bumaba sa Category 3 nang tumama sa kalupaan.

Matindi ang pinsala ni Lando dahil mabagal ang paggalaw nito at nanalagi sa bansa ng halos isang linggo.

Noong 2011 pa huling nagamit ang pangalang Lando at dahil sa pinsala nito ngayong taon ay papalitan ito ng “Liwayway.”

Samantala, nakatakda ring tanggalin sa listahan ang pangalanang “Nona” na nag-iwan ng 41 patay at P4.9 bilyon na halaga ng pinsala.

Nagsimula ang “decommissioning”  o pagtatanggal ng pangalan ng mga malalakas na bagyo noong Pebrero 1979.

Ilan pa sa mga natanggal na ay:

  •     Pepeng (Parma) –  465 patay at P27.3 bilyon ang pinsala noong 2009
  •     Frank (Fengshen – 557 patay at P13.5 bilyon ang pinasala noong 2008
  •     Ondoy (Ketsana) – 464 patay at P11 bilyon ang pinsala noong 2009
  •    Yolanda (Haiyan) – Hindi bababa sa 8 libo ang nasawi at halos P120 bilyo na halaga ng pinsala

 which caused massive death and destruction in the Visayas in 2013

Tuwing apat na taon ginagamit ang pangalan ng isang bagyo at kung sosobra sa 25 ang papasok na bagyo sa bansa ay may nakahandang auxiliary list ang PAGASA.

Show comments