Binatilyo todas sa pamamaril

MANILA, Philippines – Patay  ang isang 17 anyos na binatilyo nang barilin ng dalawang ulit sa ulo, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si  Jordan Lobo, barker, miyembro ng Sigue–sigue Sputnik gang residente ng no. 1030 Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 2:00 ng madaling araw nang matag­puang duguan ang biktima at walang buhay, sa madilim na bahagi ng P.Burgos st. malapit sa panulukan  ng Finance Road, Ermita.

Isang nangangalakal ng basura ang nakakita sa bangkay.

Inilagak ang bangkay sa Saint  Rich Fune­ral  Services para sa awtopsiya at safekeeping. (Ludy Bermudo/Giovan Pietro Guarino-trainee)

Show comments