SOMO vs NPA pirmado na ni PNoy

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Aquino ang reko­mendasyon ng Department of National Defense na unilateral declaration of Suspension of Military Operations (SOMO) laban sa New People’s Army mula Dec. 23-Jan 3.

Ito ang naging tugon ng gobyerno sa idineklarang ceasefire ng NPA mula Dec. 23-Jan 3.

Samantala, nagpalabas din ng Proclamation 1186 si Pangulong Aquino na nagdedeklara ng state of national calamity dahil sa pinsalang dulot ni Bagyong Nona.

Nais ni Pangulong Aquino na mapabilis ang rescue, recovery at rehabilitation sa idinulot ni Nona kaya nagdeklara ng state of national calamity.

Show comments