MANILA, Philippines – Sinusulong ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian ang pagtatayo ng school disaster committee upang ihanda ang mga bata sa emergencies tulad ng pananalasa ng bagyong Nona.
Naghain ng House Bill 6181 si Valenzuela City Rep. Gatchalian upang magkaroon ng regular drills at pagbibigay ng evaluation sa epektibong assessment ng disaster management plan.
“The occurrence of natural or human-induced disasters do not give us warnings nor the time to make quick judgments. Because of their age and vulnerability, children most likely will be helpless and susceptible to panic and despair,” sabi ni Gatchalian.
Nakapaloob sa panukala ni Gatchalian ang pagkakaroon ng disaster management committee sa bawat paaralan na siyang mamamahala sa disaster reduction and preparedness na mayroong pormal na ugnayan sa local risk reduction and management council.
Ito ay dapat itayo sa basic at higher education institutions gayundin sa mga tech-voc at training schools na magsusumite ng evaluation sa ginawang mga drills sa Department of Education.