MANILA, Philippines – Limang landfall na ang nagawa ng bagyong “Nona” (international name Melor) ayon sa PAGASA ngayong Martes ng umaga.
Huling tumama sa kalupaan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro si Nona kaninang 10:30 ng umaga. Sinundan nito ang ikaapat na landfall sa Banton Island, Romblon ganap na 5:30 ng umaga.
Taglay ng pang-14 na bagyo ngayong taon ang lakas na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph.
Mabagal pa rin ang paggalaw ni Nona pakanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasang hihina na ang bagyo dahil sa sunud-sunod na pagtama nito kalupaan.
Sa kabila nito ay nakataas pa rin ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
Posted by Dost_pagasa on Monday, December 14, 2015
Tinatayang nasa 250 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro si Nona bukas at sa 320 kilometro kanluran ng Coron, Palawan sa Huwebes.
Sa Biyernes pa inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo.
Samantala, isang low pressure area rin ang binabantayan ng PAGASA sa 1800 km silangan timog-silangan ng Mindanao.
Kung magiging ganap na bagyo ito at papasok sa PAR ay pangangalanan itong “Onyok.”
Nauna nang sinabi ng PAGASA na isa pang bagyo ang kanilang inaasahan bago matapos ang taon.