Mar kay Duterte: Sige sampalin mo ako!

Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – “Sasampalin mo ko, subukan mo!”

Ito ang sagot ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas sa patutsada ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sasampalin niya ang una sa sandaling mapatunayan na fake ang kanyang degree sa Wharton Business School.

“Sampalin niya ako. Punta siya dito. Kung hindi, punta ako doon sa Davao, sampalin niya ako sa airport, tingnan natin,” wika ni dating DILG Sec. Roxas sa interview ng mediamen sa University of the Philippines (UP) Bahay Alumni.

Sinabi pa ni Roxas, dapat maging handa din si Mayor Duterte na sampalin nito sa sandaling mapatunayan niyang nakapagtapos siya sa Wharton Business School.

“Ganito, magsampalan nalang kami. Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas or iilag. Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita,” dagdag pa ni Roxas.

Ikinagalit ni Duterte ng ibinunyag ni Roxas ang datos na nagpapatunay na hindi totoo ang binibida ni Duterte na “World’s 4th Sa­fest City” ang Davao sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Sinabi rin ni Duterte na hindi naman pala nakapagtapos ng kanyang degree sa Wharton Business School of the University of Pensylvania kundi isang undergraduate ito.

“Ang mahirap kay Mayor Digong Duterte, nasanay siya na one-man rule. Nasanay siya na kung hindi niya nakukuha ang gusto niya (at) kung may nagsasabi sa kanya ng katotohanan ay mananampal nalang siya o
pagbubuhatan nalang niya ng kamay. Subukan natin, tingnan natin. Wala naman akong kila­lang malaking tao na na sinampal niya, lahat maliliit, mga walang kalaban-laban,” giit pa ni Roxas.

“Alam niyo Digong, ang turing ko sayo, kaibigan. Nires­peto kita, pinahalagahan ko ang aking pakikipagkaibigan sayo. Pero mabuti na rin lang at nakita na natin ang katotohanan ng pagkatao mo,” dagdag pa ng standard bearer ng Liberal Party.

Show comments