SC huling baraha ni Poe

SC huling baraha ni Poe

MANILA, Philippines - Matapos idisku­wa­lipika rin kahapon ng First Division ng Commission on Elections si Sen. Grace Poe, nakasalalay na sa Korte Suprema kung ma­kakatakbo ito sa presidential election sa susunod na taon, ayon kay Sen. Chiz Escudero.

Nauna ng kinansela ng Second Division ang certificate of candidacy (COC) ni Poe. Samantala, itutuloy pa rin ni Poe ang kanyang kandidatura sa kabila ng desisyon ng dalawang division ng Comelec na bawiin ang kanyang COC.

Ayon kay Poe nananatili siyang isang kandidato sa pagka-pangulo hangga’t walang ipinalalabas na desisyon ang Supreme Court. 

“Tuloy po ang ating kandidatura para sa pagka-pangulo. Ipag­lalaban po natin ang tunay na demokratikong halalan kung saan tampok ang kapakanan ng lahat ng Pilipino,” ani Poe.

Iginiit ni Poe na tunay siyang Pilipino at nais nilang maglingkod sa kanyang mga kapwa Pilipino.

“Sa huli ang Korte Suprema ang maaa­ring mag-disqualify sa isang kandidato…Panatag kami na kung hindi makakamit ni Senador Grace  ang hustisya mula sa Comelec, makukuha naman nya ito mula sa Korte Suprema,” sabi naman ni Escudero.

Show comments