MANILA, Philippines – Karamihan ng Pilipinong boboto sa 2016 ay hindi pipiliin ang ie-endorso ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Nakakuha si Aquino ng -6 percent net score sa survey na inalam ang magiging epekto ng pag-endorso niya at ng mga dating pangulo ng bansa.
Tumabo naman ang kasalukuyang pangulo ng -26 percent at -10 percent sa National Capital Region at Luzon, ayon sa pagkakasunod, habang positibo naman ang grado sa kaniya ng Visayas at Mindanao na may 4 percent at 3 percent.
BASAHIN: Duterte nanguna sa SWS commissioned survey
Samantala, -6 percent din ang net score ni dating Pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph "Erap" Estrada.
Negatibo rin naman ang net scores nina dating Pangulo Fidel Ramos (-16 percent) at Gloria Macapagal Arroyo (-34).
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 26 hanggang 28 na may 1,200 respondents sa buong bansa.