Poe maisasama sa balota - Comelec

Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. James Jimenez, hindi pa naman umano tapos ang laban dahil maaari pa namang iapela ni Poe ang desisyon sa en banc hanggang Korte Suprema. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Posible pa ring masama sa balota ang pangalan ni Sen. Grace Poe sa kabila ng pag-disqualify dito ng Comelec.

Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. James Jimenez, hindi pa naman umano tapos ang laban dahil maaari pa namang iapela ni Poe ang desisyon sa en banc hanggang Korte Suprema.

Paliwanag ni Jimenez na hangga’t hindi pa nareresolba ang kaso, obligado pa rin silang  isama ang pangalan ni Poe o sinumang kandidato sa balota.

Ang pinal na desisyon ay magmumula anya sa Comelec en banc, na siyang maglalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato.

“Mas practical siguro ‘yung isama na lang, and then maybe stray the votes later on if they turn out to be unqualified,” ani Jimenez.

Show comments