MANILA, Philippines — Nakapagtala ng historic high ang pangongolekta ng buwis mula sa tobacco at alcohol products ngayong buwan ng Oktubre.
Umabot sa P105.53 bilyon ang nakolekta ng "sin" tax mula Enero hanggang Oktubre 2015, mas mataas ng 22.06 percent kumpara sa nakaraang taon na P86.46 bilyon.
Ito na ang pinakamataas na koleksyon mula 1999.
"Healthy figures tell us that we increasingly have more means to invest in our people, especially on universal healthcare," pahayag ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares.
Layunin ng Republic Act 10351 o ng Sin Tax Law na mabawasan ang paggamit ng publiko ng sigarilyo at alak sa pagtataas ng mga presyo nito kada taon.
Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas noong 2012.
Nakasaad sa batas na 85 percent ng makokolekta ng Sin Tax ay ibibigay sa Department of Health, kung saan 80 percent nito ay ilalagak sa universal healthcare program.
Ang nalalabing 15 percent ay ilalagak naman upang suportahan ang tobacco farmers na maaapektuhan ng batas.
"We will continue strengthening our tax administration and enforcement capacities to build on the gains we earned with sin tax reform," banggit ni Henares.