Mindanao palalaguin ni Binay?

MANILA, Philippines – Nangako si Vice President Jejomar Binay na sa kanyang termino palalaguin niya ang Mindanao.?

Ayon kay Binay sa isang dinaluhang Min­danaw’s Presidential Forum sa Davao City, isa sa kanyang agenda na palaguin ang Mindanao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mara­ming social services at imprastraktura, mas mataas na share sa national taxes para sa local governments at ang pagkakaroon ng mas maraming foreign investors sa agrikultura at enerhiya.

Sinabi ni Binay na lima sa 10 mahihirap na lalawigan sa bansa ay nasa Mindanao, kabilang na ang Lanao del Sur at Maguindanao na parehong nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Tinukoy ni Binay ang survey ng Social Weather Stations nitong Setyembre 2015 na nagsasabing ang kahirapan sa Min­danao ay nananatiling nasa 70 porsyento, na hindi nababago simula noong Hunyo.

Upang maibsan ang nararanasang kahirapan sa Mindanao, sinabi ni Binay na sa kanyang admi­nistrasyon sisimulan niyang maglaan ng alokasyon para sa mataas na share ng internal revenue allotment (IRA) sa mahihirap na munisipalidad.

“We shall endeavor to give the poorer 3rd to 5th class municipalities a bigger share of the IRA,” ani Binay.

?Sinabi pa ni VP Binay na ang 34 porsyentong share sa halos 1,500 munisipalidad ay hindi sapat na gastusan ang econo­mic activities at social services sa buong bansa lalo na ang mga munisipalidad na IRA-independent.

?Iginiit din ni Binay na sa kanyang administration, magsisikap siyang gumawa ng business environment na aakit sa mga investors sa agrikultura at manupaktura upang maka­buo ng mas mara­ming trabaho sa nasabing mga sector.

Show comments