Volunteers ‘alas’ ni Leni

MANILA, Philippines – Ito’y kampanya ng taumbayan!

Deklarasyon ito ni Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, kasabay ng pagpapasa­lamat sa volunteers na dumalo sa pagbubukas ng “Tsinelas Leadership Center” sa Katipunan Avenue sa Quezon City kamakailan.

“Umaapaw ang aking puso sa pasasalamat sa ating volunteers. This is truly a people’s campaign. Sana po ay hindi kayo magsawa,” wika ni Leni.

Ayon kay Leni, ang mga volunteer ang magsisilbing sentro ng kanyang kampanya, lalo pa’t kulang ang kanyang resources para sa laban.

“Sa akin, ang volunteers talaga ang core ng kampanya. Wala naman akong pangsuweldo sa tao so talagang lahat ng nag-vo-volunteer, very overwhelming ang nagsi-signify. On their own, sila talaga ang walang expectation ng anything,” wika niya.

Ang Tsinelas Volunteer Center ay magsisilbing home base para sa youth volunteers, indibidwal at organized groups, na nais lumahok sa kampanya nina LP standard bearer Mar Roxas at Leni Robredo sa National Capital Region.

Bago rito, inamin ni Robredo na kulang ang kanyang resources para magsagawa ng isang national campaign. Ani­ya, aasa lang siya sa tulong ng taumbayan, iba’t ibang grupo at vo­lunteers sa hangaring maging bise presidente ng bansa.

“Sa akin talaga, naka-anchor talaga ako sa volunteers. Pumasok ako dito sa race na wala akong resour­ces, walang anything, walang tao. Hindi ako nakapaghanda, hindi ko inakalang papasok ako sa ganitong laban,” wika ni Leni.

Para naman kay Sen. Bam Aquino, campaign manager ni Leni Robredo, magsisilbing buhay ng kampanya ang tulong ng volunteers.

“Talagang napaka­tindi ng pangangaila­ngan namin for volunteers and in fairness, ang taas ng energy level ng mga tao. Hopefully, tuluy-tuloy iyan for Mar and Leni,” wika ni Sen. Bam.

Show comments