DAVAO CITY, Philippines – Tinuldukan na nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating House Speaker Prospero Nograles ang 30-taon hidwaan ng kanilang pamilya.
Sinabi ni Nograles na ang kanyang buong pamilya kabilang na si re-electionist Karlo Nograles ay susuporta sa tambalang Duterte- Bongbong Marcos sa 2016 presidential elections.
“Today is a historic day, nag-announce na si Duterte, my enemy for 30 years and I am publicly supporting him. I will campaign for him, whether he appreciate it or not. Tapos na ang LQ,” ayon pa sa dating speaker.
Nilinaw pa nito na kailanman ay hindi naging personal ang politika sa Davao kaya kailangan na silang magkaisa.
Para naman kay Duterte dapat lang na suportahan siya ng mga Nograles dahil bukod sa magkakamag-anak sila ay tapos na rin ang anumang isyu sa pagitan nila.
Sa ngayon ang batang Nograles lang ang hayagang nagbibigay ng suporta kay Duterte sa Kamara.