Mar kumpiyansang nagawa niya ang trabaho sa DOTC

MANILA, Philippines – Dumepensa si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa komento ni Sen. Grace Poe sa kaniyang naging trabaho bilang kalihim ng Department of Transportation and Communication DOTC.

"I am confident that we did all that we could do given what we could do at that time," sagot ni Roxas sa pahayag ni Poe sa isang presidential forum na kanilang dinaluhan kagabi sa Makati City.

Sandali lamang umupong kalihim ng DOTC si Roxas noong 2011 hanggang 2011 kapalit ng namayapa nang si Jesse Robredo bago siya itinalaga sa Department of Interior and Local Government.

BASAHIN: Poe nakulangan sa trabaho ni Mar sa DOTC

Naging partikular ang mga komento ni Poe sa MRT na nasa ilalim ng DOTC.

Ang mga umano’y maaanomalyang kontrata ng MRT ang itinuturong dahilan ni Roxas sa mga kinakaharap na problema ngayon.

Binansagan niya ang kontrata na “original sin” na aniya’y hindi na niya itutuloy kung siya ang mananalong pangulo sa 2016.

Sinabi naman ni Roxas na bumili na ang gobyerno ng mga bagong tren na magagamit sa unang tatlong buwan ng susunod na taon.

Bukod dito, plano rin ng DOTC na magtayo ng dalawang common stations na magkokonekta sa tatlong linya ng mga tren –  MRT Line 3, Light Rail Transit Line 1 at ang planong MRT 7.

Show comments