MANILA, Philippines — Patuloy ang paghina ng bagyong “Marilyn” bago nakalabas ng Philippine area of responsibility ngayong Miyerkules ng umaga.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,430 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Marilyn ang lakas na 95 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 120 kph, habang gumagalaw pa hilaga-silangan sa bilis na 15 kph.
Sa pagdaan sa bansa ng pang-11 bagyo ngayong taon ay wala itong naging pinsala dahil wala itong direktang epekto.
Hindi rin naman tumama sa kalupaan ang bagyo, tulad ng nauna nang sinabi ng state weather bureau.