MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Korte Suprema ngayong Martes ang pagdinig sa kasong plunder laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Sandiganbayan.
Pinalawig ng mataas na hukuman ang status quo ante order sa 90 araw kaya naman aabutin ito hanggang Pebrero 2016.
"The Court issued a SQAO for 90 days or until Feb. 19, 2016 directing the parties to observe the status quo prevailing before the issuance of the assailed orders of the Sandiganbayan dated April 6, 2015," pahayag ni SC spokesperson Theodore Te.
Nahaharap sa kasong plunder si Arroyo kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong 2008 hanggang 2010.
Kasalukuyang naka-hospital arrest ang dating pangulo sa Veterans' Memorial Medical Center.