Dusa sa MRT /LRT titriple sa Disyembre

Sinabi ni Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) secretary-general Benjamin Peralta na titriple ang paghihirap ng “commuting public” habang papalapit ang Kapaskuhan. File photo

MANILA, Philippines – Maagang nagbabala ang isang transparency group sa publiko sa muling daranasing matinding pagdurusa sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon partikular sa train system ngayong Disyembre makaraang mabigo si Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya sa pangako niya na mga bagong bagon ng tren nitong nakalipas na Setyembre.

Sinabi ni Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) secretary-general Benjamin Peralta na titriple ang paghihirap ng “commuting public” habang papalapit ang Kapaskuhan at mistulang magiging mala-impiyerno na ang dusa sa “Christmas rush” dahil sa patuloy na kapalpakan ng pamahalaan na maghatid ng serbisyo sa transportasyon sa publiko na nagbabayad ng tamang buwis.

Show comments