‘Di-nakabayad ng utang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 48-anyos na magsasaka na sinasabing hindi mabayaran ang kanyang pagkakautang matapos magbigti sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Puroc, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa. ?

Ayon kay PO3 Edgar Allan Gandeza, lubos na dinamdam ng biktimang si Romeo Alcaraz ang dinadala nitong problema lalo na’t nalamang pinalalayas na ito sa sinasakang lupain ng kanyang landlord.

Nadiskubre ng kapitbahay na si Edwin Amigo ang biktimang nakasabit sa harapang pintuan dakong alas-5:30 ng umaga nang daanan nito para magkasabay silang pumunta sa sinasakang lupain.

 

Show comments