Suspek sa pagpatay sa mag-asawa, tiklo

NORTH COTABATO, Philippines – Sinampahan na ng kaso sa city prosecutor’s office ang suspek na bumaril at nakapatay sa mag-asawang Consumo sa bahagi ng Purok Mariveles, Barangay Paraiso sa Koronadal City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Ito’y matapos masakote ang suspek na si Jose Anorio Consumo sa isinagawang ope­rasyon ng Koronadal City PNP sa Purok Mesias.

Sa tala ng pulisya, binaril at napatay ng suspek ang mag-asawang Belen Consumo, 33; at Romy Consumo, 36, noong Miyerkules ng gabi (Nob. 18).

Lumilitaw sa imbestigasyon na nailawan ng mag-asawa gamit ang kanilang flashlight ang suspek na senglot kung saan nauwi sa matinding pagtatalo bago naganap ang pamamaril.

Si Belen ay namatay sa crime scene habang isinugod pa sa South Cotabato Provincial Hospital si Romy subalit idineklarang patay.

Out-patient naman ang dalawang sugatang sina Jr Consumo at ang anak ng suspek na si Joselito Consumo.

Show comments