MANILA, Philippines – Nangako kagabi si Canadian President Justin Pierre Trudeau na hindi na mauulit ang pagtatapon ng basura sa Pilipinas.
Sinabi ni President Trudeau sa media briefing nito kagabi sa International Media Center, hindi na niya papayagang maulit ang pangyayaring ito kung saan ay itinapon lulan ng mga container vans ang mga basura na galing sa Canada sa Pilipinas.
Wika pa ni Trudeau, gumagawa na ng hakbang ang Canadian government sa pamamagitan ng paglikha ng batas upang maresolba ang pangyayaring ito.
Siniguro din ng Canadian president na hindi na mauulit ang pangyayaring ito at mapaparusahan ang sinumang kumpanya mula sa kanilang bansa na muling magpapatapon ng basura sa mga kaibigang bansa.