Kamara nagpasalamat kay Obama sa 2 US military ships

US Pres. Barack Obama. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pasasa­lamat ang mga Lider ng Kamara kay US Pres. Barack Obama na nag-anunsyong magbibigay ang US ng karagdagang dalawang barko upang mapalakas ang maritime security capabilities ng Pilipinas, sa kasagsagan ng teritorial disputes.

Si Obama ay kasalukuyang nasa Maynila, para makibahagi sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC leaders meeting.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr, “welcome addition” ang mga barkong mula sa Amerika sa aniya’y “under equipped naval forces” ng ating bansa.

Sa panig naman ni House Independent Minority Leader Martin Romualdez, ikina­lulugod niya ang hakbang ni Obama na aniya’y uri ng malasakit para mapaangat ang naval forces ng Pilipinas.

Bukod kay Obama, pinasalamatan din ni Romualdez ang iba pang heads-of-state na nag-commit ng suporta at tulong sa Pilipinas.

Kahapon, sinabi mismo ni Obama ang US Guard cutter at isang research vessel ay parte ng mas malawak na American plan para makapagbigay ng assistance sa naval forces sa Southeast Asia.

Ito’y sa gitna na rin ng ag­resibong mga aksyon at pagkontrol ng China sa mga teritoryo sa South China Sea.

Show comments